Ang bawat tao sa daigdig ay may kakayahan , mga kakayahang kadalasang tumutukoy sa lakas ng pisikal na pangangatawan, mga kakayahang kalimita’y tumutulong sa atin upang magawa ang isang partikular na gawain. Ngunit paano kung sa pag gising mo eh may kakaibang kakayahan ka nang taglay ? halina’t silipin natin ang ilan sa mga tinatawag na extra ordinary powers.
Invisible
John kevin calara
Madalas akong napag titripan bata palang ako. Natatandaan ko pa grade two ako nun nung ilaglag nung classmate ko un lunch kong egg sandwich at juice drink.Wala akong magawa noon dahilmas malaki at mas malakas ang grupo nila. Pinilit kong wag umiyak at maging matapang pero dahan dahan pading lumuha ang mga mata ko.Alam ko naman na kayang-kaya ko silang isumbong sa teacher namin pero dahil na din sa banta nila ay na uunahan ako ng takot. Di ko malilimutan nung 3rd year high school ako dahil dun ko nakilala ang best friend ko . Transferee sya galing sa maynila, mabait sya matapang at matalino . Sya ang naging tagapag tanggol ko in other words ang aking knight in shining armor.
Isang araw pauwi na kami ni bhes galing ng school ng makasalubong namin ang grupo nila Buboy(lider ng mga bully)hinarang nya ako kahit na halata naman ang pag iwas ko.Sa akalang lalaban ako ay sinuntok nia agad ako sa muka at sa lakas nito ay napasalampak ako sa kalsada . Maraming tao ang napahinto at tumingin sa akin pero kahit isa ay wala man lang nagtangka na umawat.sinubukan ni Anne (best friend ko) na lumapit sakin para tulungan akong tumayo pero pinigilan sya ng mga kasamahan ni buboy. Galit na galit ako nung panahon nayon kayat nilakasan ko ang loob ko para gumanti ng suntok, nagulat ako ng hindi sya makailag nang tinamaan ko sya sa mukha . Nag tatakbo ang grupo ni buboy ng mabilis . Kahit yung mga taong nanunuod ay biglang nawalang lahat. Naiwan nalamang kami ni bhes sa gitna ng kalye. Pero nung tanungin ko sya kung ok lang sya ay napasigaw sya at tumakbo din sya ng papalayo sa akin . Naglakad akong nag iisa pa uwi ng madaan ako sa isang tindahan napatingin ako sa pinto nito na gawa sa salamin ,nilapitan ko ito pero nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko makita ang sarili ko .Invisible. Yan ang nangyari sa akin , patuloy akong naglakad pauwi hanggang sa may nadaanan akong malaking puno ng mangga . Naupo ako sa ilalim nito at dahan- dahan akong umiyakpag katapos kong tumahan ay napansin ko na nag balik na sa dati ang aking katawan. Pag uwi ko sa bahay ay may narinig akong ring. Kring! Kring! Kring! Tunog pala yun ng alarm clock ko at ng tignan ko ay 7:15 na ng umaga , panaginip lang pala ang lahat . Simula noon ay nahilig na ako sa mga paksang may kinalaman sa invisibility.
Kung ako..Ikaw??
Jude Michael Bernabe
Dennis Trillo,Angel Locsin,Richard Gutierrez,Angelina Jollie, at Brad Pitt,ay ilan lamang sa mga sikat na personalidad sa loob at labas ng ating bansa sa pagkakaroon ng mapang akit na mukha,at sa larangan ng pag-arte mapa-telebisyon man o sa big screen.Ika nga, “yan ang idol ko!”Tinitilian,pinapalakpakan,at madalas pa nga’y sa totoong buhay sila’y ginagaya.Mula sa ayos ng buhok,laki at hubog ng katawan,at maging sa pananamit,na kahit madalas pa nga’y may kamahalan,eh talaga naming pinagsusumikapan,pinagpupuyatan sa trabaho,at kung minsa’y iniiyakan pa sa mga magulang,makopya lang ang “real image”ni idol.”Si Angel Locsin,kasi sexy na,ang galing pa umarte.””Si Dennis Trillo, kasi ang lakas ng dating.”Wika ng ilan sa aking mga
Nakapanayam,ng minsan akong magtanong kung sino ba ang gusto nilang maging,kung sakaling bigyan sila ng pagkakataong magpalit o manggaya ng anyo. Matapos silang tanungin,umupo ako sa isang sulok ng daigdig,nagisip-isip,sabay tanong sa sarili “Sino ba ang gusto kong gayahin?”
Laking mahirap,minsang naghangad gumanda ang buhay,walang sapat na pera,ngunit naguumapaw ang karunungan.Sa likod ng maraming problema sa buhay, nagsusumikap makakuha ng mas maraming kaalaman,bagamat madalas kumakalam ang sikmura,patuloy pa rin ang paglaban sa realidad,minsang itinakwil,at sinasabing “salot sa lipunan”pero tinatagan ang sarili,ngumiti,kasabay ng pag-agos ng luha, ay muling humarap sa madumi at mabangis na agos ng ating buhay,tungo sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.Siya ang nais kong gayahin,ang gusto kong tularan.Ang aking sarili.Hindi ko ninais na maging kagaya ng iba,mag magandang bihis,at gumastos ng limpak-limpak na salapi,na sana’y napangkakain na lamang natin at sampu ng ating mga mahal sa buhay.Hindi ko kailangan magsuot ng mamahaling ginto,upang itago ang dumi ng aking pagkatao.Maging ang pagpahid ng kung anu-ano sa mukha para lamang ikubli ang pagkulubot ng aking balat ay ayoko!Magkaroon ng mga magagarang sasakyan,habang ang karamihan ay pudpod ang suot sa paa dahil sa ilang kilometro nilang nilalakad.Ang magkamal ng maraming salapi o ni ang paggamit nito para lamang makuha ang kaisa-isang “oo” ni mahal,gayong mahaba naman ang panahon para maghintay.Ang magmataas,habang nanlilisik ang mga mata ng ilan habang nakatingin sa akin.Mas lalu na ang magpanggap bilang hindi ako,upang maging kalugod-lugod sa paningin ng iba,habang ang kapwa ko duon sa kahirapa’y nasasadlak.
Mahirap ang manggaya,dahil sa malamang sa hindi,ito pa ang maglagay sa iyo sa tiyak na kapahamakan.Mapagbinatangan sa salang hindi mo naman ginawa,magkulong sa iyo sa piitan.at isa pa,ang posibilidad na ito ang maging sanhi ng iyong kamatayan.Iwasan ang ihip ng hangin, baluktutin ang tuwid na daan,at takpan ang katotohanan para lamang magkaroon ng ganda o pogi points tulad ng kay idol ay hindi ko gagawin.Ang kinakailangan ko ay maghubad,at ilantad ang katotohanan sa aking buhay.Walang kamera,walang make-up,na pawang hindi pa nagagawa ng idol mo.Muli, “sino ang gusto mog gayahin?”
TARA TAYO'Y LUMIPAD
Lea torres
Gusto mo bang lumunok ng bato? O bumuhat ng barbell? O magkaroon ng pak-pak? Gaya ni superman o batman kaya? Sila ang mga matatawag nating “Super Hero.” Sila’y mga taong may mga natatanging kakayahan na kung saan ay nagagamit sa mabuti o masama. Ngunit, meron sa kanilang magkakaparehong kakayahan. Anu nga ba ito? Kung mahilig kang manuod ng mga palabas na may superhero ay mapapansin mo ito. Diba’t ito’y ang kakayahan nilang lumipad? Halos lahat ng mga super hero ay may kakayahang lumipad. Marahil, kung isa ka sa nabiyayaan ng ganitong kakayahan ay dalawa lang ang maari mong gawin dito. Maaari mong gamitin ito sa mabuti o masama.
Ito’y magagamit mo sa pagtulong ng mga tao. Sa mga nangangailangan na gaya ng nahuhulog sa puno, o sa mga nais makapunta sa ibang lugar na malayo, o sa simpleng pamamaraan na makapagbigay ng kaligayahan na makalipad mula sa lupa at madala sa ibabaw ng ulap. Dahil dito, makakapunta ka sa sa magagandang tanawin na likha ng ating Panginoon.
Ngunit sa kabila nito, may nadudulot din itong kasamaan. Kung tayo’y nakakalipad o isa ka sa may natatanging tao na may ganitong kakayahan, ay may naisin ka na gagawin mo ngunit hindi sa mabuti. Dahil sa kasakiman ay ginagamit mo ito para sa sariling naisin kahit masama na ang iyong ginagawa. Maaaring ginagamit mo ito sa pagnanakaw at madali kang nakakatakas, O kaya’y nakakasakit ka physically habang nasa himpapawid at walang magawa ang mga taong nasasaktan. Marahil may mga tinatakasan ka na mga tao o ma kasalanan o problema na hindi mo maharap at nais mo nalang takasan.
Kaya tayo hindi binigyan ng Panginoon ng ganitong kakayahan na makalipad dahil baka ito’y gamitin natin sa masama at sa hindi mabuti.
Ngunit, hindi ba, kay sarap isipin na nakakalipad ka? Kahit sa simpleng pag-angat mo sa lupa na gaya ng ibon ay tuwang-tuwa ka?
Nais mo bang maranasan ang makalipad? Hali ka! At ipikit mo ang itong mga mata, at ating ilipad ang ating isip sa pag-iimahinasyon na tayo’y LUMILIPAD!
May Mali ba sa Nakikita Ko?
Janin T. Dimaano
Tapos na naman ang maghapon, at sa buong araw, eto na yata ang pinaka paborito kong oras ang magmunimuni bago matulog.Ganito ako palagi bago pa man tuluyang pumikit ang aking mga mata bago matulog tila ba naglalakbay ang diwa ko hinahabi ng aking isipin lahat ng mga bagay na nangyari sa buong maghapon, kinikilatis ang gawa at mga taong nakasalamuha, paminsan masasabi ko na sa mga ganitong oras malaya ako at kaya kong libutin at intindihan ang lahat ng bagay. Tila ba nababasa ko anuman ang naiisip ng iba, pilit kong binibigyan ng kahulugan ang bawat kilos at asal na ipinakita nila. Pero hindi ko siguro pwedeng sabihin na nababasa ko nga ano man ang naiisip nila, marahil dahil bilang isang tao maaaring may ideya lamang ako o alam ko ang landas na pwedeng kahantungan ng bawat pangyayari sa buhay nila.
Sa totoo lang alam naman natin talaga kung mali o tama ang mga desisyon na gagawin natin, binigyan yan tayo ng Diyos ng kakayahan na makapagdesisyon ayon sa mga paniniwala at choices na gusto nating sundin. Marahil may mga pagkakataon lamang na nabubulag tayo sa mga bagay na kahit alam nating hindi tama ay pilit parin nating ginagawa. Hindi na natin kailangan pa ng kapangyarihan para lamang makabasa ng isip ng ibang tao yung simpleng maintindihan lamang natin kung ano ang kalagayan ng bawat isa magiging madali na para sa atin ang maunawaan kung ano ang dapat at para sa kanila.
ISIPIN MO! KAYA MO.. BA 'TO?!!
Hazel napili
Sa pagpikit ng ating mata ,paglipad ng isipan heto imahinasyo'y gamit ko......TELEPORTATION!
Ano nararamdaman mo naba ang unti-unting paglaho ng katawang lupa mo na mismo sa kinatatayuan mo?Pwes,successful ka!Pero ang totoo iniisip mo lang naman ito oo nga't naglalakbay ang isip mo pero naiwan naman ang katawang lupa mo. Ihalimbawa natin ang cartoons na "DRAGONBALL Z". Hephep...sino nga ba ang hindi makakalimot sa mga banat na"kame hame wave,fusion at teleport" na nagawa na nang pangunahing karakter na si SON GOKU.Malamang ay paulit-ulit n'yong pinanonood iyan.Hindi lang yan kilala nyo ba si BERWIN MEILY?eh si ALAKIM ng 'Pilipinas Got Talent"Isa lamang sila sa mga celebrity na nakagawa umano sa totoong buhay ng teleportation pero,may kaugnay na MAHIKA.Alam ng lahat na ito ay ginagamitan din ng malalim na konsentrasyon at dibdibang pagsasanay para matagumpay na maisagawa ang ilusyong ito.
Alam mo ba na masuwete ka na kung magkakaroon o matutunan mo ang ganitong kahanga-hangang kakayahan.Kakaiba ka na sa lahat!,nagagawa mo pa ang mga bagay na hindi nila kayang gawin...anu daw? TAMA! Pero sa ngayon may mga tanong na gumugulo pa rin sa ating isipan,posible nga ba o imposibleng mangyari ito? Hangang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa marami ang kasagutan sa tanong na ito.
Weh? Dinga?
Jeniffer Dungo
Sa buhay natin ngayon, tunay nang magkakaiba ang katangian ng bawat nilalang. Maging mga kakayahan ngayon ay napakalayo na sa mga kakayahan ng mga tao noon. At isa na sa mga ito ay ang talentong Makita ang kinabukasan. Manghuhula ang kadalasang tawag sa mga taong ito. Kaya nilang malaman o mahulaan ang mga mangyayari sa susunod na oras, araw at maging sa susunod na taon.Tunay na nakakamangha ang mga nilalang na may ganitong uri ng kakayahan. Sila ay matatawag na hindi pangkaraniwang mga tao sapagkat limitado o iilan lamang sila na nagagawa ang mga bagay tulad nito. Kadalasan, natutupad ang ano mang sabihin ng mga manghuhula. Ito ay ayon sa mga mamayang nasubukan nang magpahula. Ngunit ang panghuhula ay isa lamang uri ng gabay o impormasyon sa ating buhay sapagkat tayo parin ang gagawa ng ating kapalaran nakaayon man ito o hindi sa hulang sinabi sa iyo.
Kaya mo ba 'to?
Angelie Mae Batulan
Kapangyarihan ng tubig! Kapangyarihan ng apoy! Kapangyarihan ng hangin! Kapangyarihan ng lupa! Taglay mo ba ang mga kakayahang ito? Kung oo, marami kang magagawa para sa lahat.
Kapangyarihan ng tubig. Napakahirap mabuhay kung walang tubig, ngunit kung may taglay kang ganitong kakayahan, magagawa mong magpatayo ng sarili mong dam, kung saan hindi na kailangan magbayad ng malaki ng mga tao. Hindi na rin magkakaroon ng kakapusan sa tubig kung sagana kang makapagbibigay ng tubig sa mga lugar na kinakapos sa tubig sa ngayon. Maging ang maduming tubig na nagmumula sa ilog ay magagawa mong maging malinis.
Kamusta naman ang maapoy na kapangyarihan? Mula sa kakayahan na ito magagawa mong makapagluto ng pagkain, nasaang lugar ka man. Tulad ng mga sinaunang mga tao noon, magagawa mo ring mailigtas ang sinuman na nanganganib ang buhay kung akmang dadakmain na siya ng mabangis na hayop, kung saan ang apoy ang magsisilbi mong panakot para sa kanila. Makokontrol mo rin ang apoy na nagiging dahilan ng napapabalitang mga sunog sa ngayon.
Paano naman ang kapangyarihan mo sa hangin? Mula sa polusyon ng hangin, magagawa mo itong sariwang hangin, upang makinabang ang lahat. Maaari mong gawing malinis ang mga usok na nagmumula sa mga pabrika na nagdudulot ng masamang kemikal na maaari nating malanghap at makapgdulot ng masama sa ating kalusugan.
Mawawala ba naman ang kapangyarihan ng lupa? Pinakamahalaga ang lupa dahil dito nagmumula ang ating mga likas na pangangailangan. Magagawa mong maging malusog ang lupa, upang magawang makapagtanim muli ng mga saganang punongkahoy na nagbibigay sa atin ng likas na pagkain at nagpapalinis ng ating kalikasan. Magagawa mo ring alisin ang bundok na basura sa Payatas na naging dahilan ng landslide noon, upang di na maulit muli ang pangyayaring iyon at maalis amg sanhi ng polusyon likha ng basura.
Kung mayroon kang taglay na ganitong mga kapangyarihan, talagang makapagdudulot ito ng malaking pagbabgo sa ating mundo. Ang pagkakaroon mo ng mga kakayahang ito ay isang pribilehiyo na makakatulong para sa lahat ng tao.
Ngunit kung may taglay kang ganitong mga kapangyarihan, mas makakabuti na gamitin ito sa mga magagandang dahilan. Ang paggamit nito sa mali at masamang paraan ay makapagdudulot ng masama hindi lang sa iyo maging sa ibang tao.